Posted January 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Aklan Provincial Tourism
Operations Officer Carina Ruiz kaugnay sa 1.7-M tourist arrival na bagong target
ng Aklan Provincial Government sa 2015.
Ayon naman sa DOT o Department of Tourism Boracay
Sub-Office, may mga bagong cruise ship ang nakatakdang bumisita sa isla katulad
ng MS Celebrity Century, Seabourn So Journ, L’Austral, Seven Seas Voyager,
Legend of the Seas, at Silver Shadow.
Ilan naman sa mga cruise ship na muling bibisita sa
Boracay ang MS Europa II, MS Super Star Aquarius at MS Costa Atlantica.
Dahil dito, sinabi pa ni Ruiz na itinaas ang
tourist arrival target ngayong taon dahil sa mga naturang barko.
Magugunitang hindi naabot ang dating 1.5 million tourist arrival target nitong nakaraang 2014 dahil sa naranasang weather disturbance at bagyo, at travel ban ng China sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment