Posted January 16, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay nito, kanya-kanya
paring uri ng uniporme ang mga security guard sa mga establisemyento, hotel at
resort sa isla.
Base kasi sa impormasyon,
muli pang magpupulong ang mga security agencies at SAGU o Security Agencies and
Guards Unit.
Magugunitang pinulong din
ni SAGU Chief-PSupt. Condrado Carganillo ang mga security agencies sa isla
nitong nakaraang taon matapos madismaya sa iba’t-ibang uniporme ng mga security
guards.
Magugunita ring binigyan ni
Carganillo ng tatlong buwan ang mga security agencies upang ipatupad ang opisyal
nilang uniporme.
Base rin sa napagkasunduan,
itim ang magiging bull cap ng mga security guards, gray an t-shirt, itim ang
short pants at rubber shoes, kulay gold ang name cloth at pangalan ng kanilang
agency.
Samantala, dahil hindi pa
tuluyang naipapatupad, kapansinpansin na may mga sekyu sa isla ang nagmukhang Boracay
Police at abogado dahil sa kanilang mga uniporme na ipinagtaka naman ng mga
turista.
No comments:
Post a Comment