Posted January 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Duguan na dinala sa Boracay Hospital ang isang
babae matapos na umano’y hinampas ng helmet ng isang lalaki kagabi sa Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nagsisisigaw
habang nagtatalo bandang alas otso kagabi ang biktima na kinilalang si
“Angelie”, 29 anyos at live in partner nito.
Subali’t ilang sandali pa, bigla na lamang lumapit
ang suspek na si “Archie” kahit wala itong kinalaman sa away ng mag-live in at
hinampas ng helmet ang ulo ng biktima.
Dahil sa malakas na pagkakahampas ay nagtamo naman
ng sugat ang babae sa kanyang ulo.
Samantala, ayon pa sa blotter ng BTAC, bago paman
ang nasabing pangyayari ay nakitaan din ng pasa ang biktima sa kanyang kaliwang
braso.
Sa kabila nito, tumanggi ang biktima na ipagamot
ang kanyang mga sugat sa nasabing ospital.
Ipinagkatiwala naman ngayon ng Boracay PNP ang
nasabing kaso sa Barangay Manoc-Manoc Justice Sysytem.
No comments:
Post a Comment