Posted January 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Nais ngayong umapela ni
Malay SB member Jupiter Gallenero kaugnay sa desisyon ng supreme court tungkol
sa easement rules ng kalsada sa Boracay.
Ang apelang ito ay
kaugnay sa 15 meters both side easement sa kalsada ng Boracay gayon din sa mga
boundaries sa isla.
Sa ginananap na 2nd
Regular SB Session ng Malay nitong Martes nanawagan ito sa konseho na kung
maaari ay makakuha sila ng kopya tungkol sa easement rules mula sa Korte
Suprema.
Ayon kay Gallenero, marami
ang maapektuhan sakaling maipatupad ng ang desisyong ng korte sa bayan ng Malay
lalo na sa isla ng Boracay.
Bagamat sinabi din nito
na tila hindi siya pabor sa desisyon ng korte kung saan ay balak nitong
sumailalim sa legalidad para sa pag-apela ng nasabing easement.
Kaugnay nito nais naman
niyang humingi ng tulong kay Aklan Representative Teodorico Haresco para
magpasa ng house bill dito.
Samantala, plano din ng
Boracay Foundation Inc.(BFI) na magsagawa ng hakbang para dito.
No comments:
Post a Comment