Posted January 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umapela ngayon ang Sangguniang Panlalawigan (SP)
Aklan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng agarang
pag-classify ng tubig sa Sooc River na malapit sa open dump site na makikita sa
Bakhaw Sur Kalibo.
Ito’y dahil sa matindi na umanong polusyon na
naidudulot nito sa mga residente sa lugar at kalapit barangay.
Kaugnay nito, matagal na ring nagpatupad ng closure
order” ang DENR tungkol sa nasabing open dump site.
Sa pagpupulong ng mataas na konseho, ipinaliwanag
naman ni Kalibo Save The Mangroves Association (KASAMA) Chairman Atty. Allen
Quimpo na nakasaad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act
ang pagbabawal na mag-operate pa ang isang dumpsite kapag nakakapekto na sa
kalusugan ng mamamayan.
Nabatid na batay sa isinagawang pagsusuri ng DENR,
napag-alamang highly pollutant na ang nasabing dumpsite, kung saan nakitaan ito
ng coliform bacteria.
No comments:
Post a Comment