Posted January 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isinugod sa isang pagamutan ang tatlong taong
gulang na biktimang si King Harry Calizo, residente ng nasabing lugar dahil sa
tinamong pinsala sa katawan.
Ayon kay SPO4 Zacarias Rusi ng Nabas PNP, nagulat
na lamang ang ina ng biktima nang makitang nahagip ng nasabing bus ang kanyang
anak na naglalaro.
Samantala, nabatid na sa Malay PNP na sumuko ang
drayber ng bus na si Carlo Acuhido, 36 anyos ng Mabilo New Washington, Aklan matapos
ang insidente.
Ayon naman sa Malay PNP, nasa kustodiya na ngayon
ng Nabas Police Station ang drayber para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment