Posted January 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaabangan na ngayong araw ang Higante contest na siyang
isa sa mga highlight ng Kalibo Santo NiƱo Ati-Atihan Festival 2015.
Ito ay kinabibilangan ng ilang bayan sa Aklan na kasali
sa naturang contest sa pangunguna ng Balete, Ibajay, Kalibo, Madalag, Malinao,
Numancia at Tangalan.
Nabatid na tema sa nasabing Higante Contest ay “Ati in
the Locality,” kung saan nakasentro ito sa pamumuhay, kultura at tradisyon ng
bawat lokal na komunidad.
Napag-alaman na ito ay ipaparada mamayang hapon kasama
ang mga local officials at LGU employees ng mga nasabing bayan.
Base naman sa inilabas na criteria ng Provincial Tourism
Office kailangang ang higante ay may taas na 8 feet, at eju-judged base sa
theme relevance, creativity, artistry at audience impact and appeal.
Ang mananalo naman dito ay makakatanggap ng plaques at
subsidies mula sa provincial government bilang taunang Aklan Festivals Parade
at Higante Contest.
Sa kabilang banda inaasahang may mga hahabol pang mga
sasali para dito mula sa ibang bayan sa probinsya
Samantala, inaasahang libo-libo katao ang manunuod at
makikisaksi sa Higante contest kung kayat doble rin ang ipinatupad na seguridad
para dito.
No comments:
Post a Comment