Posted
January 14, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isang babae sa Barangay Balabag ang nakatikim ng suntok sa tiyan, bibig
at noo kaninang tanghali.
Ayon sa report ng Boracay PNP, binugbog ang 31 anyos na biktima matapos
ipagtanggol ang kapwa babae dahil sa group chat.
Nagsimula ang pambubugbog nang komprontahin ng biktima ang lalaking
suspek at katrabaho niya mismo sa isang badminton court.
Nakakapanirang puri umano kasi ang ipinost ng suspek sa group chat
laban sa hindi na pinangalanang babae.
Subali’t nauwi sa pambubugbog ang komprontasyon kung saan sinuntok ng
suspek ang biktima.
Kaagad namang inimbistigahan ng mga pulis ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment