Posted January 14, 2015
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Sisikapin ng pamahalaang probinsyal ng Aklan na
makamit ang 1.7 milyon na tourist arrival sa probinsya sa taong 2015.
Ayon kay Aklan Provincial Tourism Operations
Officer Carina Ruiz, bagamat hindi naabot ng probinsya ang 1.5 million na
target nitong nakaraang taon.
Sinabi nito na itinaas parin ang target dahil sa
inaasahang mahigit 16 na cruise ship na dadaong sa isla ng Boracay.
Anya, maliban dito ay kinokonsidera din ang
pagkakaroon ng iba’t-ibang mga international flights sa Aklan.
Samantala, sinabi pa nito na naging malaking tulong
ang ginawang pag-market ng Department of Tourism (DOT) sa iba’t-ibang bansa
upang mapalago pa ang turismo sa probinsya.
Nabatid naman na nangunguna pa rin ang mga Korean
tourist na dumadayo sa isla ng Boracay, kung saan umabot ito sa 39 percent
nitong nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment