Posted January 14, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang paulit-ulit na paalala ng mga kapulisan sa
mga lokal lalo na sa mga dayuhang turista na nagbabakasyon sa Boracay.
Ito’y matapos na isa na namang babaeng Malaysian
national ang nawalan ng isang LG G2 na cellphone kagabi sa isla.
Ayon sa turistang si Bang Khee Hoon, 27 anyos,
sakay ito ng buggy car sa Sitio Bolabog Balabag Boracay nang malaman na
nawawala na ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang bulsa.
Naniniwala naman umano ito na nahulog ang kanyang
cellphone nang hindi nya namamalayan.
Samantala, benebiripika na ngayon ng mga pulis ang
nasabing sumbong ng turista bago bigyan ng insurance certificate.
No comments:
Post a Comment