Posted January 14, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa, huwag
mag-atubiling magtanong sa kanilang mga tanggapan kung mayroong mga problema o
kailangang ayusin sa pag-proseso upang hindi na ito matagalan.
Anya, bagamat kada taon ay nagkakaroon sila ng
extension, sinabi ng Malay Administrator na huwag na lang umanong umasa kahit
na naiitindihan din nila ito dahil sa dami ng mga dokumentong nire-require at
mas maigi pa ring agahan na lamang.
Samantala, aminado naman ito na naghihigpit sila
ngayon sa isla ng Boracay dahil sa ilang mga pasaway na negosyante.
Kaya naman, payo nito sa mga business establishment
owners na makipag-ugnayan sa mga tamang tanggapan ng LGU Malay sa isla ng Boracay
para sa ikakaayos ng kanilang negosyo at hindi na mabigyan pa ng penalidad.
Kaugnay nito, nabatid naman na nagsisimula na rin
ngayon ang mga empleyado sa pagproseso na ng kanilang mga dokumento para sa
taong 2015.
No comments:
Post a Comment