Posted January 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilang araw na lang at idadaos na ang pinakaabangang
Ati-Atihan Festival 2015 ngayong darating na Enero 9 hanggang 18.
Dahil dito abala na ngayong ang buong local
officials ng bayan ng Kalibo katuwang ang Aklan Provincial Government at ang Kalibo
Sto. Nino Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi).
Maging ang seguridad ay inilatag na rin para sa
long week end celebration ng nasabing kapistahan ni Sto. Nino.
Inaasahang malalaking artista sa bansa ang
makikisaya sa nasabing selebrasyon kung saan magkakaroon ng magarbong okasyon
sa kalibo Pastrana Park.
Kaugnay nito ang 16 na bayan sa probinsya ay
magpapasiklaban din sa taon-taong Higante Contest na lalahukan naman ng mga LGU
officials at employees.
Samantala halos fully booked na ngayon ang lahat ng
mga hotel sa bayan ng Kalibo kung saan daan-daang libong tao ang inaahang
dadagsa sa Ati-Atihan 2015 na tinagurang mother of all festivals in the
Philippines.
No comments:
Post a Comment