Posted January 2, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni BFI President Jony Salme sakaling
wala paring bagong hepe ang Boracay PNP Station sa susunod na taon.
Ayon Salme, nakikita naman nito ang kakayanan ni
PSInsp.Fidel Gentallan na hawakan ang mga responsibilidad sa pagpapatakbo ng
Boracay PNP lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan sa isla.
Magkaganon paman, hinimok din ni Salme ang
kumunidad sa isla na suportahan sa pagpapanatili ng kaayusan ang Boracay PNP at
ang lahat ng law enforcers dito.
Samantala, magugunita namang nagpahayag ng kahandaan
sa pagdirwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon sa isla si Boracay PNP OIC
PSInsp.Fidel Gentallan nang sinibak sa puwesto ang dating hepe na si PSInspector
Mark Evan Salvo.
Kaugnay parin nito, nananatili ang katanungan sa publiko
kung may ilalagay pang hepe ang PNP higher command sa isla o mananatiling OIC
si PSInsp. Gentallan.
No comments:
Post a Comment