Posted December 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ipinasiguro ngayon ng Aklan Electric Cooperative
(AKELCO) na hindi magkakaroon ng brown out sa probinsya sa pagsalubong sa taong
2015.
Ayon kay AKELCO Assistant General Manager for
Engineering Engr. Joel Martinez, araw-araw ay nagkakaroon sila ng pagsusuri o
monitoring sa linya ng mga kuryente sa probinsya lalo na kapag paparating ang
bagong taon.
Anya, ilan kasi sa mga gumagamit ng paputok ay
nagsisindi malapit sa mga poste ng kuryente o di kaya naman ay sumasabit sa
kable tulad ng paputok na kwitis.
Bagay na umaapela ito sa publiko ang ibayong
pag-iingat at huwag magpaputok malapit sa mga kable ng kuryente upang maiwasan
ang disgrasya na magiging sanhi ng sunog.
No comments:
Post a Comment