Posted December 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Naantala ang operasyon ng Kalibo International
Airport matapos sumadsad sa runway ang Manila-Kalibo domestic flight na
eroplano ng AirAsia.
Kaagad namang sumaklolo sa lugar ang Bureau of Fire
Protection at kapulisan.
Sumaklolo din ang mga airport ground crew sa runway
at inilikas ang mga pasahero gamit ang evacuation slide.
Ayon sa report, lumampas ang gulong ng eroplano sa
gilid ng runway at bumaon sa putikan dahilan ng pagsadsad nito sa dulo ng
runway.
Maliban sa tinitingnang posibilidad na miscalculation
ng piloto, tinitingnan din ang dahilan ng aksidente ang malakas na buhos ng
ulan at hangin sa Aklan dahil sa bagyong Seniang.
Samantala, wala namang nasaktan sa naganap na
insidente.
No comments:
Post a Comment