Posted December 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Iginiit ngayon ng Boracay Fire Protection Unit ang ‘No
clearance’ para sa paggamit ng sky lantern sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa kabila ito ng pagiging popular ng sky lantern
bilang pang-highlight ng iba’t-ibang okasyon at selebrasyon ngayon.
Sa ipinadalang memorandum, iginiit ni Boracay Fire
Protection Unit o BFPU Chief-Insp.Stephen Jardeleza ang nilalaman ng IRR o
Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9514.
Base sa IRR, pahihintulutan ang paggamit ng sky
lantern kung sumailalim ito sa Fire Safety Inspection at mabigyan ng Fire
Safety Clearance.
Kailangang bantayan din ito at dapat may
nakahandang fire protection devices.
Magkaganon paman, dapat parin umanong ipinagbawal ang
sky lantern dahil maaari itong pagmulan ng sunog lalo pa’t hindi naman ito
makokontrol kapag nakalipad na.
Kaya naman nanindigan ang BFPU na hindi dapat
bigyan ng clearance ang nasabing lantern.
Samantala, nabatid na may ilang resort na rin sa
isla ang gumagamit ng sky lantern para sa kanilang wedding events.
No comments:
Post a Comment