Posted January 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Balik na ngayon sa normal ang mga flight sa Kalibo International
Airport (KIA) matapos ang paglihis sa runway ng AirAsia nitong Martes ng gabi.
Base sa inilabas na kalatas ng Kalibo office ng Civil
Aviation Authority of the Philippines (CAAP-Kalibo), 14 na flight ang
naapektuhan ng mangyari ang insidente dahil sa pansamantalang isinara ng air traffic
ang nasabing paliparan.
Nabatid na umabot ng ilang oras bago natanggal ng mga
airport personnel ang eroplanong lumihis sa runway kung saan ligtas naman ang
mga sakay nitong pasahero na may bilang na 153 at crew na magbabakasyon sana sa
isla ng Boracay.
Batay naman sa inisyal na imbestigasyon ng CAAP-Kalibo,
palapag ang AirAsia Flight Z2272 sa KIA runway dakong 5:30 ng hapon mula Manila
noong Disyembre 30 nang malihis ito sa runway.
No comments:
Post a Comment