Posted January 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad ding pinakawalan ng mga pulis ang isang
babaeng Australian national matapos na mang-shoplift ng kwintas sa isang
boutique sa Boracay.
Kinilala sa blotter report ng BTAC ang suspek na si
Nalini Rachel, 43 anyos ng New South Whales Australia habang kinilala naman ang
nagrereklamo na si Stephanie Jean Maurice, 45 anyos, isang French national at
nagmamay-ari ng isang boutique sa Balabag Boracay.
Nabatid sa report ng mga pulis na nahuli sa CCTV
camera ang nasabing Australiana na aktong kinukuha ang nasabing Mala, Neclace
at isinilid sa kanyang dala-dalang bag.
Samantala, nang magharap sa himpilan ng BTAC,
kaagad namang pinatawad ng may-ari ng nasabing boutique ang turista at hindi na
rin ito sinampahan pa ng kaso.
Nangako naman ang Australiana na hindi na uulitin
ang nasabing panyayari.
No comments:
Post a Comment