Posted January 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ang Jetty Port Administration na pila-pila
pa rin ngayon ang ilang mga lokal at dayuhang turista na paalis at papuntang
Boracay dahil sa limitadong mga motor banca.
Ito’y dahil sa malakas parin kasi ang alon dala ng hindi
magandang panahon kaya nilimitahan umano ng Philippine Coast Guard (PCG) ang
mga banca at kaunti lang ang pinayagang makapag-biyahe sa pantalan.
Samantala, nabatid na magiging mas abala na rin
ngayon ang pamahalaang probinsyal ng Aklan dahil sa paghahanda para sa
posibleng pagbigat ng daloy ng biyahe sa pantalan sa paparating APEC Summit
ngayong taon.
No comments:
Post a Comment