Posted December 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pasok sa World's Favorite Destinations para sa New
Year Celebration ng Agoda.com ang isla ng Boracay.
Base sa survey ng Agoda.com na isa sa nangungunang hotel-booking
website sa Asya, ang Boracay ay nasa ika-13 puwesto na nakakuha ng 2.49 percent
na boto mula sa isinagawang Travel Smart online study.
Nangunguna naman dito ang Bangkok na may 13.6
percent at sinundan ng Hong Kong; Bali, Indonesia; Tokyo, Japan; at Singapore.
Nabatid na isinagawa ang survey nitong nakaraang
buwan ng Nobyembre kung saan tinanong ng Agoda.com ang mahigit sa 7,000
travelers na pumili mula sa 24 destinations sa mundo kung saan nila nais e-celebrate
ang kanilang New Year.
Samantala, napag-alaman na ilan sa mga nagustuhan
ng mga turista sa Boracay ay ang ibat-ibang pagkain at ang night party sa beach
area kasama na ang magarbong fireworks display ng mga hotel at resort sa
Boracay para sa bagong taon.
No comments:
Post a Comment