YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 01, 2015

Makukulay na torotot para sa pagsalubong ng bagong taon, inilalako sa Boracay

Posted December 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Bawal ang paputok.

Ito ang sinabi ng isang vendor sa Boracay habang naglalako ng makukulay na torotot para sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Mang Jonas, ligtas at malayo sa kapahamakan ang mga ibinibenta niyang torotot na tiyak patok sa mga bata.

Sa halagang 70-75 pesos ang bawat isa, may makulay at magandang torotot ka na.

Samantala, sumasang-ayon naman sa sinabi ni Mang Jonas ang DOH o Department of Health.

Patuloy din kasi ang kampanya at paalala ng ahensya na huwag tangkilin ang paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Nakasaad sa SMS o Short Message Service ng DOH, ang kampanyang “Sa pagsalubong ng Bagong Taon, handa ang DOH gamutin ang sinumang naputukan. Subali’t di magagamot ng DOH ang nasirang kinabukasan, huwag iputok ang paputok”.

No comments:

Post a Comment