Posted January 2, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Maaga pa lang ay pinaghandaan na ng Aklan Police
Provincial Office (APPO) ang sabay-sabay na pagdaraos ng festival sa iba’t
ibang bayan sa Aklan ngayon Enero.
Dahil dito, ayon sa APPO, unang linggo pa lang ng
Enero ay maaaring mag-request na sila ng mga karagdagang pulis mula sa Regional
Office.
Anila, ginagawa talaga ang nasabing hakbangin para
paghandaan ang selebrasyon ng Ati-Atihan na sabay-sabay na ipinagdiriwang
ngayong buwan.
Maliban kasi sa Ati-Atihan Festival sa bayan ng
Kalibo na buong linggong ipinagdiriwang, ang mga bayan ng Batan, Makato, at
Malinao ay may mga plano na din para sa nasabing selebrasyon.
Ngunit hindi lamang sa mga nabanggit na lugar
ipagdiriwang ng Ati-atihan, ginagawa din ang nasabing selebrasyon sa Boracay at
sa huling linggo ng buwang ito ay sa bayan naman ng Ibajay ito gagawin.
Sa kasalukuyan bilang paghahanda sa mga selebrasyong
ito, sinabi ng APPO na layunin nilang mag-assist sa mga bayang nabanggit,
magkaroon ng check point at visibility patrol.
No comments:
Post a Comment