YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 01, 2015

Mga Senior Citizens sa Boracay, muling nagtipon para sa Rizal Day Celebration

Posted December 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Muling nagtipon para sa Rizal Day Celebration ang mga Senior Citizens sa Boracay.

Bagama’t masama ang panahon, itinuloy parin ng mga lolo at lola mula sa tatlong barangay sa isla ang inihanda nilang programa para sa Rizal Day.

Kaugnay nito, nagpamisa muna sila nitong umaga bago ang presentasyon, pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal sa Barangay Balabag Plaza at salu-salo.

Ayon naman kay Senior Citizens Boracay President Rufina ‘Pines’ Villaroman.

Isang pagkakataon ang araw na ito para sa kanilang mga senior citizen na maipakita ang pagkilala sa kabayanihan ni Jose Rizal.

Samantala, sinaksihan naman ng mga lokal na residente at ilang turista sa isla ang nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment