Posted October 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hindi natinag hanggang sa itinanghal na kampeon ang TransAire ng
Boracay Airport sa kauna-unahang First Aid Olympics 2014 ng Philippine Red
Cross.
Ayon kay Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo
Schoenenberger, iba’t-ibang organisasyon at business establishment sa isla ang
naglalaban-laban para dito.
Anya, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang sa World First
Aid Day (WFAD) para ibahagi ang mga natatanging kaalaman sa “First Aid
Training”.
Ilan lamang umano sa mga kasali dito ang Kabalikat Civicom, Tourism
Regulatory Enforcement Unit (TREU) at Airport Fire Fighter.
Nabatid na pinaglabanan ang first-aid na itinuro sa kanila ng Red Cross
para maiuwi ang cash prize at matanghal na kauna-unahang First Aid Olympics
Champion.
Samantala, nakuha naman ng Asya Premier Suites ang ikalawang pwesto
habang nasa ikatlong pwesto naman ang Kabalikat Civicom.
No comments:
Post a Comment