Posted October 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka- heightened alert narin ngayon ang Philippine
Coastguard (PCG) Caticlan para sa seguridad ng mga biyahero ilang araw bago ang
Undas.
Ito’y matapos silang makatanggap ng utos mula sa kanilang
head quarters tungkol sa pagpapaigting ng seguridad sa mga sasakyang pandagat.
Ayon naman kay Senior Chief Petty Officer Ronie Hiponia,
OIC Station Commander ng PCG Caticlan maglalagay sila ng passengers assistance
center sa bawat daungan sa Malay at isla ng Boracay.
Mahigpit din umano silang mag-momonitor sa mga barkong
dumadaong sa pantalan ng Caticlan at mag-inspeksyon sa mga bagahe ng mga
pasahero gamit ang kanilang K-9 dog.
Aniya kung ganito umanong dagsaan ang mga taong umuuwi sa
kanilang lugar ay automatic nilang inilalabas ang kanilang K-9 dog Unit para
masuri ang mga gamit na dala ng mga pasahero na maaaring magpuslit ng ilegal na
droga kasama na ang terrorism act.
Samantala, sinabi pa ni Hiponia na itatalaga na nila ang
kanilang mga tauhan ngayong Biyernes hanggang sa araw ng Martes para masiguro
ang seguridad ng mga manlalakbay ngayong Undas.
No comments:
Post a Comment