Posted October 31, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Posible nang masolusyunan ang dumaraming basura sa isla
ng Boracay.
Ito’y sa sandaling matuloy ang proyekto na ninanais na maipatayo
ng isang sikat na kumpanya mula sa bansang Vietnam kaugnay sa basura sa
Boracay.
Ayon kay Malay Vice Mayor Wilbec Gelito, isang kompanya
umano mula sa naturang bansa ang nakipag-ugnayan sa kanya tungkol sa plantang tutunaw
sa lahat ng klase ng basura kung saan dadaan ito sa ilang proseso para maging
isang enerhiya.
Sa kabilang banda ang kumpanya mula Vietnam ay nakatakdang
magkaroon ng presentasyon sa LGU Malay, ngayong darating na Martes para ipaabot
sa kanila kung paano ito makakatulong sa isla ng Boracay.
Nabatid din mula kay Gelito, ay ito ang magiging
kauna-unahang proyekto sa bansa na posibleng mabigyang parangal dahil sa pagiging
environmental friendly nito.
Iginiit din nito na walang magagastos ang LGU Malay sa
naturang proyekto maliban na lamang sa pagdala nila ng basura sa planta dahil
sagot umano ng nasabing kumpanya ang pondo para dito.
Samantala, ang proyektong ito ay kasalukuyan na ring
ginagawa sa ibat-ibang lugar sa buong mundo lalo na sa bansang Vietnam kung
saan nagmula ang nag-imbento nito.
No comments:
Post a Comment