Posted October 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Bahagi ito ng protocol ng Kalibo International Airport na
ipinadala sa pamamagitan ng e-mail ni Dra. Jeanette Ortega Kalibo Quarantine
Station kaugnay sa kanilang pagmonitor sa pinangangambahang Ebola virus.
Malalaman umano sa pamamagitan ng checklist kung anong
flight nakasakay ang pasahero, petsa ng kanyang pagbyahe at kung saan sya
nagpunta sa loob ng dalawang linggo, contact number, at kung saan ito titira sa
Pilipinas para madaling mahanap.
Kinokolekta naman ang sinagutang checklist mula sa mga
pasahero pagbaba nila ng eroplano.
Ayon pa kay Ortega, inaakyat nila sa paglapag ng eroplano
ang mga pasahero at ini-iscan isa-isa bago bumaba gamit ang bagong thermal
scanner.
Kaagad binibigyan ng face mask ang pasahero sakaling ma-detect na may lagnat at
hindi isinasabay sa ibang pasahero.
Idinederetso naman ito sa quarantine clinic para kunan ng
history kung kailan nagkaroon ng lagnat, may ubo, sipon, nahihirapang
huminga,pananakit ng katawan, pagsusuka, panghihina.
Inaalam din umano nila kung may history of travel ang pasahero sa mga lugar
kung saan may Ebola virus tulad ng Africa,Siera Leone at Liberia.
Sa kabilang banda, nire-refer o kinukunsulta naman sa
ospital ang pasahero kung wala naman ibang sintomas maliban sa lagnat, at
tinitiyak na dadaan din uli sa quarantine clinic dala ang result at clearance bago
lumabas ng bansa.
Samantala, magugunita namang sinabi ni Kalibo Airport
Manager Cynthia Aspera na ligtas ngunit patuloy na naghahanda ang Kalibo
Airport laban sa Ebola.
No comments:
Post a Comment