Posted October 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umarangkada na ang Contingency Planning Workshop ng
Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of Civil Defense
(OCD) sa isla ng Boracay kahapon.
Ito’y upang palakasin ang paghahanda sa anumang
kawalang-tiyak na mangyayari sa bayan lalung-lalo na sa isla ng Boracay.
Ayon kay OCD Regional Director Rosario Cabrera,
nilalayon ng nasabing aktibidad na tulungan ang LGU sa pagbabalangkas ng mga
plano sa anumang panganib o sakuna sa kani-kanilang lokalidad.
Maipapakita rin umano dito ng mga nakikibahagi sa
aktibidad ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay sa Geographic Information
System (GIS) for Climate Change and Disaster Risk Vulnerability Reduction.
Samantala, nagpasalamat naman ang Director sa mga
dumalo dahil sa masasabing mas magiging epektibo pa umano ito sa tinatawag na
DRRM Plan, dahil sa mas magiging madali para sa mga taga LGU ang magpasya sa
mga hakbang kung may konkreto lang na Contingency Plan.
Ang Contingency Planning Workshop sa Boracay ay
magtatapos sa Octubre 30, araw ng Huwebes.
No comments:
Post a Comment