YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 27, 2014

Opening salvo ng Ati-Atihan Festival 2015 dinaluhan ng libo-libong katao

Posted October 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dinaluhan ng libo-libong katao mula sa ibat-ibang lugar sa Aklan ang Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival 2015 nitong Biyernes sa bayan ng Kalibo.

Simula alas-tres ng hapon ay nagsimulang dumagsa ang mga tao sa nasabing lugar para saksihan ang parada ng ibat-ibang grupo at organisasyon kasabay ng tinatawag na “sadsad”o street dancing.

Kabilang din sa inabangan ng mga manunuod ay ang parada ng mga kotse na may ibat-ibang desenyo gayon din ang pag-parada ng mga nag-gagandahang dilag na finalist ng Mutya ng Ati-Atihan 2015.

Pinangunahan naman ng Lokal na Pamahalaan ng Kalibo at ng Aklan Provincial Government ang opening salvo sa ginawang programa sa Kalibo Pastrana Park.

Kaugnay nito isang foam party ang isinagawa sa Magsaysay Park nito ring Biyernes ng gabe kung saan ilang banda ang nanguna sa nasabing kasiyahan.

Samantala, ang opening salvo ng Ati-Atihan ay siyang hudyat ng pagbubukas ng mahabang selebrasyon nito na ang highlight ay sa darating na Enero 9 hanggang 17, 2015 bilang pag-gunita sa kapistahan ni Senior Santo Niño.

No comments:

Post a Comment