Posted October 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naka-heightened alert na ang Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) para sa preparasyon ng Undas sa
Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay
Boracay PNP Chief Police Senior Inspector Mark Evan Salvo, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng kapulisan ang tinatawag na exodus ng
mamamayan.
Kaugnay
nito, mahigpit na rin umano ang ipinapatupad na seguridad sa Caticlan at Cagban
Jetty Port dahil sa posibleng pagdagsa ng mga uuwi o sa pupunta sa Boracay sa
Undas.
Anya,
magde-deploy din sila ng mga pulis na syang magbabantay sa dalawang sementeryo
sa Boracay, habang magkakaroon naman ng checkpoint ang mga pulis sa mga
pangunahing kalsadahin dito.
Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ng mga
kapulisan ang pagdala ng mga matutulis na bagay sa mismong araw ng Undas sa mga
sementeryo gayundin ang pagdadala ng radyo, baraha at ilan pang mga bagay na
walang kinalaman sa nasabing pagdiriwang.
No comments:
Post a Comment