Posted October 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Tiniyak ng Wallem Philippines Shipping Inc. na
naka-quarantine ang mga pasahero ng MS Superstar Aquarius bago dumating sa
Boracay sa November 6.
Ayon kay Wallem Philippines Operations Manager
Roberto Aurelio, magpapadala sila ng mga quarantine doctors at nurse sa Hong
Kong upang matiyak na walang Ebola virus infected passengers ang MS Superstar
Aquarius.
Maliban sa mga quarantine doctors at nurse,
magpapadala din umano sila ng immigration officers kung kaya’t kampante ring
sinabi ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang na naka-quarantine na ang
mga nasabing pasahero bago paman dumating sa Pilipinas.
Samantala, nabatid na darating
sa Hong Kong ang MS Superstar Aquarius sa November 3, November 4-5 sa Manila,
at November 6 naman sa Boracay.
Napag-alaman din na ito na ang
pangatlong balik sa Boracay ng MS Superstar Aquarius.
No comments:
Post a Comment