Posted October 28, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay Municipal Planning Officer Alma Beliherdo, sinusuyod
na rin nila ngayon ang isla upang tukuyin ang mga establisemyentong lumalabag
sa Municipal Ordinance No.2000-131.
Ito ang ordinansang nag-uutos na dapat magkaroon ng anim
na metrong road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada ang anumang
temporary o permanent structures.
Sa kanyang text message sa himpilang ito, nagbabala rin
si Beliherdo na ang mga taga engineering at building official na mismo ang
tatanggal sa mga istrakturang lumabag kung walang voluntary compliance o kusang
pagtanggal.
Samantala, ipapatong din umano sa may-ari ng istraktura
ang gastos sa gagawing demolisyon.
Nagsimula naman ang pag-iikot ng MPDO sa Barangay
Manoc-manoc ngayong araw.
No comments:
Post a Comment