Posted October 31, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Philippine Red Cross (PRC)
Boracay-Malay Chapter kasama ang kanilang mga volunteers para sa paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter
Administrator Marlo Schoenenberger, tulad ng nakagawian maglalagay sila ng
assistance center sa bawat sementeryo sa isla ng Boracay at sa bayan ng Malay.
May ambulansya din umanong ilalagay sa Manoc-Manoc cemetery
sakaling magkaroon ng pasyente doon.
Nagpaalala naman ang PRC sa mga dadalaw sa puntod
ng kanilang mga mahal sa buhay na mag-ingat dahil sa maraming tao sa sementeryo,
kung saan maaaring mahawa ng ibat-ibang sakit o di kaya ay mahimatay dahil sa
tindi ng init na maaaring maranasan.
Ang “Oplan Undas” ng Red-cross ay taunang ginagawa
para sa paglilingkod sa mga taong pupunta sa himlayan ng kanilang mga mahal sa
buhay sa iba’t-ibang lugar sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment