Posted October 31, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad na isinugod sa isang ospital sa bayan ng
Kalibo ang isang lalaki matapos na mabiktima ng pananaksak sa isla ng Boracay.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) na naglalakad ang biktimang si Archival
Maming, 18 anyos sa Mainroad ng So. Manggayad Brgy. Manoc-Manoc Boracay kasama
ang kanyang dalawang pinsan, nang makasalubong ang dalawang suspek na sina
Elvin Marote, 21 anyos ng Laserna Nabas at Oliver Casidsid, 19 anyos ng Toledo
Nabas.
Ayon sa blotter report, sa hindi malamang dahilan
ay bigla di umanong sinundan ng isa sa mga suspek na si Oliver ang biktima at
kaagad na sinuntok.
Dahil dito, tinangka umanong awatin ng isa sa mga
pinsan ng biktima ang pangyayari subalit tinutukan naman ito ng kutsilyo ni Marote.
Ilang sandali pa ay lumapit na umano si Marote sa
biktima at saka sinaksak ng dalawang beses na tumama sa kanang dibdib at
likurang bahagi nito.
Samantala, kaagad namang naaresto ng mga
rumespondeng pulis ang mga suspek at kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng BTAC
para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment