Posted October 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinilala ang biktimang si Karl-Heinz Rotter o mas kilala
sa tawag na Charles Brown, 65 at isang Duetsch National.
Sa blotter report ng Boracay PNP binawian umano ng buhay
ang biktima kaninang umaga habang ito ay nasa kanyang inuupahang kwarto sa
isang hotel sa Manoc-manoc Boracay.
Nabatid mula sa may-ari ng tinutulayan ng biktima na
lumabas umano si Brown sa kanyang kwarto at humingi ng tulong dahil sa masama
umano ang kanyang pakiramdam kung saan agad itong bumagsak sa sahig.
Dahil dito nagdesisyon umano silang dalhin sa
pinakamalapit na pagamutan sa isla ang biktima ngunit idiniklara naman itong
Dead on Arrival (DOA) ng mga doktor.
Napag-alaman na ang ikinamatay umano nito ay dahil sa
cardiac arrest.
Sa ngayon pansamantalang dinala sa isang punerarya sa
bayan ng Malay ang biktima habang inaasikaso ang pag-uwi ng bangkay nito sa
kanilang bansa.
No comments:
Post a Comment