Posted October 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ng consultative meeting ngayong
araw ang PNP Regional Office 6 para sa mga security officers at operators sa
Boracay.
Tampok sa nasabing pagpupulong ang mga usapin tungkol sa
mga kaso ng land dispute o agawan sa lupa sa isla kung saan madalas nasasangkot
ang mga security guards at ang kanilang security agencies.
Pag-uusapan din dito ang partisipasyon ng mga pribadong
security industry sa pagpapanatili ng peace and order sa isla para sa nalalapit
na APEC 2015 meeting.
Pangungunahan naman ng ROPD-SAGU Regional Operations and
Plans-Security Agencies and Guards Unit ang nasabing pagpupulong na inaasahang
dadaluhan din ng mga stakeholders sa isla.
No comments:
Post a Comment