YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, October 26, 2014

MS Superstar Aquarius, muling bibisita sa Boracay sa ikatlong pagkakataon

Posted October 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling dadaong sa isla ng Boracay ang MS Superstar Aquarius sa ikatlong pagkakataon ngayong darating na Nobyembre 6.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, magpapatawag sila ng meeting para paghandaan ang nalalapit na pagdaong sa Boracay ng nasabing barko.

Aniya, mahigit isang libo na namang mga turista ang dadalhin nito sa Boracay para masilayan ang kagandahan ng isla sa loob ng isang araw.

Nabatid na ang MS Aquarius ay isa sa mga pinakamalaking barko na bumisita sa Boracay noong nakaraang taon at nito lamang buwan ng Abril.

Pagtiyak pa Pontero, hindi umano ito ang huling pagbisita ng Aquarius sa isla dahil muli itong babalik sa Desyembre 30 ngayong taon.

Samantala, ang paglatag ng seguridad para sa mga sakay nitong pasahero ang siya paring pangunahing gagawin ng mga concern agencies na kinabibilangan ng Philippine National Police, Philippine Coastguard, Maritime Police at sa pangunguna ng Provincial Government ng Aklan at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

No comments:

Post a Comment