Posted October 27, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay Malay PNP Chief PSInspector Reynante Jomocan.
Maglalagay sila ng police assistance desk sa Caticlan at
Malay cemetery upang manatiling mapayapa at ligtas ang pagdiriwang ng araw ng
mga patay.
Naniniwala umano kasi si Jomocan na maaaring magkita-kita
sa sementeryo ang mga pamilyang dati nang may samaan ng loob at magkasakitan.
Ayon pa kay Jomocan, bahagi ng kanilang security plan ang
pakikipag-ugnayan sa security group sa Caticlan Port dahil sa inaasahang
pagdagsa ng mga magsisipag-uwian sa Undas.
Samantala, muli namang nagpaalala si Jomocan tungkol sa
mga ipinagbabawal sa sementeryo tulad ng pagdadala ng alak at pagsusugal.
No comments:
Post a Comment