Posted October 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
In-place na umano ang buong puwersa ng kapulisan sa buong
lalawigan ng Aklan para sa preparasyon
ng Undas o
paggunita sa Araw ng mga Santo at Patay sa Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay APPO information officer P03 Nida Gregas, naka-heightened
alert na ang kanilang mga kapulisan para paigtingin ang seguridad sa mga
pambuliko at pribadong sementeryo sa probinsya na inaasahang dadagsain ng
maraming taong dadalaw sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Aniya, kung anong paghahanda ang kanilang ginawa noong
mga nakaraang taon ay ganun din ang kanilang ginagawang operasyon ngayon
hanggang sa pagtatapos ng Undas sa Linggo.
Isa pa sa mga babantayan ng mga pulis ay ang mga bus terminal, maliban pa sa pagkakaroon nila ng checkpoint
sa mga pangunahing kalsada sa Aklan lalo na sa bayan ng Kalibo sa mismong araw
ng Undas.
Samantala, paalala naman ng APPO sa lahat ng mga pasahero
na uuwi at pupunta sa mga sementeryo ngayong Undas ang ibayong pag-iingat at
huwag basta-bastang ilalabas ang mga mamahaling gamit dahil nagsisilabasan din
umano ngayon ang mga kawatan lalo na sa lugar na maraming tao.
No comments:
Post a Comment