Posted August 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagreklamo sa Boracay PNP ang isang 18-anyos na
waitress matapos umano siyang saktan ng kaniyang amo.
Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang
nagrereklamong si Christina Bonsato 18-anyos ng Dalupian, Bataan at presenteng
nakatira sa Sitio. Diniwid,Balabag Boracay.
Ayon sa biktima inutusan siya ng kanyang amo at
manager ng pinapasukang restaurant sa Boracay na si Gaon Kim na kumuha ng ice
coffee para sa kanilang customer.
Galit umano ang kaniyang amo nang siya ay utusan
kung saan agad naman siyang kumuha ng ice coffee sachet at saka ibinigay dito.
Subali’t nagulat nalang din umano siya nang
hampasin siya ng apron ni Gaon Kim sa binti at sinampal pa sa likod.
Dahil sa insidente mas minabuti ng Boracay PNP na
idulog ang nasabing problema sa Brgy. Justice System ng Brgy. Balabag.
No comments:
Post a Comment