Posted August 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Unti-unti na umanong nabibigyan ng solusyon ang problema
sa Sanitation ng Malay Public Market sa Brgy. Caticlan.
Ito’y makaraang ilang mamimili sa nasabing tindahan ang
nag-paabot ng pagkadismaya sa Local Government Unit ng Malay tungkol sa hindi
maganda at malinis na palengke.
Nabatid na kasabay ng ginawang pag-momonitor ng LGU at ni
Brgy. Captain Julieta Aron sa sanitation ay kinumpuni din ng engineering office
ang ilang sira sa public market.
Sinabi naman ni Malay Sanitation Inspector Ma. Lyn
Fernandez, hindi sila nag-iisue ng permit sa mga vendors kapag hindi sila
makakapasa sa mga requirements kabilang na ang kalinisan ng lugar.
Samantala, regular na rin ngayong nakokolekta ang basura
sa tindhan kung at may inilaang tamang tapunan ng mga sirang gulay, pinaghugasan
ng isda at iba pa.
No comments:
Post a Comment