YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 15, 2014

Pasyente sa Malay Municipal Health Office Annex sa Balabag, nag-eskandalo, pati mga pulis, minura

Posted August 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Kalaboso ang inabot ng isang lalaki matapos mag-eskandalo sa Malay Municipal Health Office Annex sa Balabag kaninang umaga.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naging arogante umano ang 53 anyos na lalaki mula sa Tigayon, Kalibo, Aklan, sa kabila ng mahinahong pagpapaliwanag sa kanya.

Nabatid na nag-eskandalo at nagsisisigaw ang lalaki dahil hindi ito na-isyuhan ng medical certificate.
Maliban dito, pinagbabantaan din umano nito ang mga staff ng nasabing health unit kung kaya’t nagpanic ang ibang mga tao sa loob.

Minarapat namang tumawag ng pulis ng mga taga health office subali’t sinigawan at minura din nito ang mga otoridad kung kaya’t tuluyan na itong inaresto.

No comments:

Post a Comment