Posted August 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Special Operation Officer III Jean
Pontero ng Caticlan Jetty Port matapos ang kanilang ginawang pagpupulong kasama
ang Provincial Tourism Office para dito.
Aniya, patunay lamang ito na malaki ang naitutulong ng
promotions and marketing sa ibat-ibang lugar sa mundo para sa isla ng Boracay.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit maraming mga
kompanya ng cruise ship ang gustong subukan ang mag tour sa isa sa
pinakamagandang island resort sa mundo.
Nabatid na patuloy ngayon ang ginagawang pagsulong ng
probinsya ng Aklan at ng Department of Tourism (DOT) na maging cruise ship
destination ang isla ng Boracay.
Sa kabilang banda ang MS Superstar Aquarius ay nakatakda
ring bumalik sa isla ngayong darating na Nobyembre at Disyembre sakay ang
mahigit isang libong turista.
Samantala, nito lamang buwan ng Hulyo ay dumaong ang MS the
World sa Boracay sakay naman ang mahigit 429 na mga turista mula sa Norway at
US.
No comments:
Post a Comment