Posted August 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Halos mawalan umano ng malay ang isang construction
worker sa Boracay matapos pagbabatuhin sa Sitio Cagban, Barangay Manoc-manoc kaninang
madaling araw.
Ayon sa police report ng Boracay PNP, naglalakad ang
biktimang si Eduardo Tiongson, 23 anyos, ng Dumga, Makato, Aklan at ang kanyang
kasama nang bigla na lamang umano silang binato ng humigit-kumulang pitong
kalalakihan.
Kaagad nakatakas ang kanyang kasama subali’t naiwan
namang nakahandusay sa kalsada ang biktima matapos tamaan ng bato sa ulo.
Sa kabilang banda, dalawang kalalakihan ang napadaan sa
lugar at nakitang nakahandusay sa gitna ng kalsada biktima, ilang sandali
matapos ang insidente.
Bigla namang umiba ang eksena nang tumayo ang
nahimasmasang biktima at sinaksak ang dalawang dumaan.
Bahagyang tinamaan sa dibdib ang isa sa dalawang lalaki na
nakilalang si Reynante Francisco, 23 anyos ng Balucuan Dao, Capiz.
Samantala, nagkasundo sa presento ng Boracay PNP ang
magkabilang panig na ayusin ang kanilang kaso habang patuloy pang pinaghahanap
ng mga pulis ang nambato sa construction worker.
No comments:
Post a Comment