Posted August 13, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Minarapat na idulog ng isang concerned citizen sa YES FM
Boracay ang pinaniniwalaang modus ng budol-budol.
Kuwento ng hindi na pinangalanang stall owner sa Barangay
Balabag, isang lalaki ang pumunta sa kanilang tindahan kagabi at humihingi ng
pangalan niya at contact number.
Base sa sumbong ng kanyang mga staff, may nag-utos umano
sa lalaki na puntahan siya sa kanyang puwesto at sabihang may naiwan itong
gamit sa terminal kahapon.
Subali’t nagtataka naman ang kanyang mga staff kung bakit
iba-ibang terminal ang sinasabi ng lalaki at kung bakit kailangan pang hingin
ang pangalan at contact number ng may-ari ng nasabing tindahan.
Duda rin ang mga ito kung bakit hindi nalang isauli ang umano’y
naiwang gamit kung totoo nga gayong natunton na rin pala ng lalaki ang pwesto
nila.
Labis din ang pagtataka ng concerned citizen kung paanong
may naiwan itong gamit gayong wala itong pinuntahang ibang lugar kahapon.
No comments:
Post a Comment