Posted August 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Naayos na umano ang
gusot sa pagitan ng MAP member at isang ginang na nagreklamo dahil sa inasal ng
nasabing law enforcer.
Ayon kay MAP o
Municipal Auxiliary Deputy Chief Rommel Salsona, nakuha na rin ng ginang ang
kanilang motorsiklo matapos nitong bayaran ang kanyang violation o paglabag.
Napag-alamang hinuli ng
MAP ang ginang dahil sa wala umano itong lisensya at suot na helmet habang
nagmamaneho ng motorsiklo.
Subali’t ipina blotter
pala ng ginang sa Boracay PNP ang MAP matapos umano siyang ipahiya sa publiko.
Base sa kanyang reklamo
sa pulis, hinabol siya ng MAP habang nagmamaneho, hinila ang kaliwang kamay at
minura.
Samantala, nabatid mula
sa Boracay PNP na aminado naman ang ginang sa kanyang naging paglabag.
Tumanggi na rin munang
magbigay ng pahayag tungkol dito si Salsona.
No comments:
Post a Comment