YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 11, 2014

Lalaki sa Boracay, tinaga ng bote ng nakababatang kapatid

Posted August 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang lalaki ang tinaga ng bote at hinampas ng upuan ng nakababatang kapatid sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay kagabi.

Ayon sa imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP Station, nag-iinuman ang magkapatid na sina Arnold Ligoy-ligoy, 35 anyos at Ariel Ligoy-ligoy, 23 anyos kasama ang ilang kaibigan nang mamagitan ang mainit na argumento sa kanilang dalawa.

Kinalauna’y tumayo umano upang umihi si Arnold subali’t nilapitan siya ng kanyang nakababatang kapatid at hinampas ng bote sa kanyang ulo dahilan upang ito’y matumba sa sahig.

Nang tatayo na ang biktima ay kaagad din umanong kinuha ng suspek ang upuan at inihampas sa mukha nito.

Hindi pa nakontento ang suspek at muli nitong kinuha ang basag na bote at tinaga ang kanyang kapatid.

Kaagad ding isinugod sa pagamutan ang biktima dahil sa tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Boracay PNP Station ang suspek na isinuko mismo ng kanilang mga magulang sa mga rumespondeng pulis.

No comments:

Post a Comment