YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 13, 2014

Bundok sa Sitio Tambisaan Manoc-manoc, nadale ng grass fire

 Posted August 13, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nadale ng grass fire ang bundok sa Sitio Tambisaan Manoc-manoc.

Ayon kay F03 Franklin Arubang ng BFPU o Bureau of Fire Protection Unit Boracay, nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 nitong hapon kung saan mainit ang panahon at malakas ang hangin.

Bagama’t aminado si Arubang na hindi kayang maabot ng kanilang hose ang nasusunog na bahagi ng bundok, sinabi nito na tumulong na rin ang mga Manoc-manoc Barangay Tanod at residente doon sa pag-apula ng apoy.

Ayon pa kay Arubang, may residenteng nakakita sa mga batang naglalaro ng apoy at iniwan lamang ang siga.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang BFPU sa mga residente at mga nagpi-picnic doon na huwag na lamang magsiga upang maiwasan ang sunog.

Samantala, idineklara namang fire out ang sunog mag-aalas 4:00 ng hapon na walang iniwang kaswalidad.

No comments:

Post a Comment