Posted August 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinuntok ng isang lasing na lalaki ang kanyang katrabaho
matapos pahinaan ang kanyang boses habang siya ay nagvi-videoke sa isang lugar
sa Boracay.
Sa report ng Boracay PNP kinilala ang biktimang si Marlon
Jandog at nag-tratrabaho bilang Accounting Supervisor sa isang resort sa isla
ng Boracay.
Nabatid na pinahihinaan nito ang boses ng kaniyang kapwa
staff sa resort habang ito’y kumakanta dahil sa sobrang lakas.
Dahil sa ginawa nitong biktima ay agad siyang sinuntok ng
suspek na kinilalang si Eusebio Ronald na tumama sa kaniyang kaliwang pisnge at
nagtamo ng malubhang sugat.
Napag-alaman din na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin
ang suspek kung kaya’t agad niya itong ipinaaresto sa mga pulis para maiwasan
na lumala ang komusyon.
Samantala, mas minabuti ng Boracay PNP na idulog nalang
sa Brgy. Justice System ng Brgy. Balabag ang nangyaring insidente.
No comments:
Post a Comment