Posted
August 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Dapat ipatupad ang building code sa mga illegal construction sa Boracay.
Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr. Arnold Solano, maaaring matigil
na ang pagpapagawa ng mga maliliit na construction project sa isla dahil sa mga
penalidad na ipapataw sa mga lumalabag na engineer at contractor.
Sinabi ito ni Solano kaugnay sa ginanap na contractors and builders
briefing kamakailan tungkol sa mga bagong panuntunan sa pagproseso ng mga
building at occupancy permit sa isla.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Solano na maaaring i-ban ang mga engineer na
ilang beses lumabag sa ipinapatupad na batas sa isla particular na sa building
code.
Sinabi pa ni Engr. Solano na inaasahan na rin ang pagbabago sa sistema
ng building construction sa isla lalo pa’t iniimbentaryo sa pamamagitan ng
moratorium ang mga gusali dito.
No comments:
Post a Comment